今週の動画

¥2.1 BILYON CONSUMPTION TAX MULA SA MGA DAYUHANG TURISTA SA JAPAN, HINDI NAKOLEKTA

Umabot sa humigit-kumulang ¥2.1 bilyon ang hindi nakolektang consumption tax ng mga awtoridad sa customs noong fiscal 2022 mula sa mga dayuhang turista na bumisita sa bansa at bumili ng mga produkto at itinuturing na hindi pasado sa tax exemption requirements.

Ayon sa ulat ng The Yomiuri Shimbun, sinabi ng mga awtoridad na hindi nakolekta ang buwis dahil umalis na ng bansa ang mga dayuhang turista na hindi nagbabayad. Itinuturo rin na dahilan ang mga taong nagsasagawa ng domestic resale ng mga ito.

Ipinapataw ang consumption tax sa mga kalakal at serbisyo na ginagamit sa loob ng bansa kaya ang mga bisita sa Japan na gustong maglabas ng mga kalakal ay pinapayagang bumili ng mga ito ng walang buwis. Hindi pinapayagan ng gobyerno na ibentang muli sa loob ng bansa ang mga produktong binili sa ganitong paraan at ang buwis sa pagkonsumo ay ipinapataw kapag ang mga bisita ay umalis na hindi na nila hawak ang mga kalakal na binili nila ng walang buwis.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!