400K PASAHERO, BUMIYAHE MULA HANEDA AIRPORT NOONG SPRING HOLIDAY
Nakapagtala ang mga opisyal ng Tokyo immigration ng nasa humigit-kumulang 400,000 na pasahero na lumabas at pumasok sa Japan sa pamamagitan ng Haneda Airport mula Abril 28 hanggang Mayo 7.
Mahigit kalahati ito sa bilang na naitala noong pre-pandemic year 2019 na nasa 550,000, ayon sa ulat ng NHK World-Japan.
Binubuo ang naturang bilang ng mga dayuhan at Hapon na biyahero.
Samantala, nasa halos isang milyon ang bilang ng mga pasahero na gumamit ng Haneda at Narita airports noong nakaraang spring break na katumbas ng nasa 60 porsyento ng kabuuang bilang noong mga parehong araw noong 2019.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”