今週の動画

31 HOTELS, RYOKANS SA JAPAN, ENVIRONMENT-FRIENDLY

Kinilala ng isang organisasyon bilang environment-friendly ang 31 hotels at ryokans sa bansa.

Sinusuri ang mga ganitong uri ng pasilidad sa pamamagitan ng mga pamantayan na kinabibilangan ng decarbonization at pagbabawas ng basura, saad sa ulat ng Kyodo News.

Ayon sa grupo, nakatanggap sila ng evaluation requests mula sa nasa 200 pasilidad at umaasa na masesertipikahan ang nasa 2,000 establisyemento sa hinaharap.

Itinuturing na environment-friendly ang pasilidad kung natutugunan nito ang 17 layunin ng sustainable development goals o SDG na binalangkas ng United Nations.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!