今週の動画

MAHIGIT 55,000 NA PASSPORT APPLICATIONS, NAITALA SA TOKYO

Bumabalik na sa pre-pandemic level ang aplikasyon ng pasaporte sa Tokyo, ito ay matapos makapagtala ng mahigit sa 55,000 na aplikasyon ang metropolitan government nitong Abril.

Ilan sa mga nag-a-apply ay para sa renewal ng pasaporte sa kadahilanang hindi nila ito nagamit dahil hindi sila nakapaglakbay sa ibang bansa dahil sa COVID-19.

Sa ulat ng NHK World-Japan, iniuugnay ng mga opisyal ang pagdagsa ng aplikasyon sa pagbabalik ng mga aktibidad sa ekonomiya sa gitna ng pandemya.

Ayon sa foreign ministry, mayroong 21.75 milyong hindi pa expired na pasaporte sa pagtatapos ng Disyembre 2022.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!