今週の動画

19,321 WELFARE BENEFIT APPLICATIONS, NAITALA NG JAPAN NOONG PEBRERO

Tumaas ng 20.5 porsyento sa 19,321 ang welfare benefit applications sa Japan noong Pebrero kumpara noong isang taon, ayon sa health and welfare ministry.

Ito na ang pangalawa sa pinakamataas na naitala kasunod ng bilang noong April 2020 ng marami ang naapektuhan ang trabaho sa unang pagdeklara ng state of emergency dahil sa pandemya.

Nasa 17,300 kabahayan ang tumanggap ng welfare benefits noong Pebrero, mas mataas ng 13.6 porsyento kesa noong isang taon, saad sa ulat ng NHK World-Japan.

Sa kabuuan ay may mahigit 1.64 milyong kabahayan sa bansa ang nakakatanggap ng welfare payments.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!