今週の動画

MGA TURISTANG HAPON INEENGGANYONG MAG-ABROAD

Hinikayat ng mga kinatawan ng 23 lugar ang mga turistang Hapon na bumisita sa kanilang mga bansa sa isang press conference na ginanap sa Tokyo kahapon, Miyerkules.

Pinangunahan ng Japan Tourism Agency (JTA) ang kaganapan na may layong muling pasiglahin ang overseas travel ng mga turistang Hapon. Ang 23 lugar na ito ay kabilang sa 24 na bansa at rehiyon na itinuturing na priority destinations ng JTA.

Sa ulat ng Jiji Press, binanggit ni JTA Commissioner Koichi Wada na muling sisigla ang ekonomiya na naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng paglalakbay sa ibang bansa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!