今週の動画

MGA RESIDENTE NA BUMIBILI NG TAX-FREE ITEMS MULA SA MGA TURISTA SA JAPAN, PAGBABAYARIN NG TAX

Pananagutin sa pagbabayad ng 10 porsyentong sales tax ang mga residenteng bumibili ng mga tax-exempt na produkto mula sa mga turista sa bansa simula ngayong buwan.

Aaksyunan ng gobyerno ang nasabing tax evasion scheme kung saan kabilang ang muling pagbebenta ng mga kalakal na binili ng mga dayuhang turista, sa ulat ng NHK World-Japan.

Exempted sa pagbabayad ng sales tax ang mga dayuhang turista kung ang mga produktong kanilang bibilhin ay dadalhin sa labas ng bansa.

Ayon sa mga opisyal ng finance ministry, may mga dayuhang tusita na bumibili ng mga produkto ng bultuhan at muling ibinebenta sa bansa.

Umaasa ang mga opisyal na ang kanilang gagawin na aksyon ay makakatulong upang matigil ang naturang tax evasion scheme.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!