CONVENIENCE STORES, NAGLUWAG NA SA PAGPAPATUPAD NG COVID-19 PROTOCOLS
Niluwagan na ng mga convenience store chains sa Japan tulad ng Lawson, Seven-Eleven at FamilyMart ang pagpapatupad ng kanilang health protocols kaugnay ng novel coronavirus kasabay nang pag-downgrade ng kategorya nito tulad ng sa seasonal flu.
Ipapaubaya na sa bawat tindahan ang pagpapatupad ng mga polisiya pagdating sa pagsusuot ng masks, paggamit ng hand sanitizers at partitions, saad sa ulat ng NHK World-Japan.
Sa isang Lawston store sa Tokyo, inalis na ng staff ang posters na nagpapaalala ng distancing sa mga mamimili. May mga staff na rin na nagtatrabaho ng walang suot na mask.
Umaasa sila na tataas ang benta ngayong halos balik normal na ang sitwasyon.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan