今週の動画

MAHIGIT 11 MILYONG BIYAHERO SUMAKAY NG HIGH-SPEED TRAINS NITONG GOLDEN WEEK

Lampas 11 milyong biyahero ang gumamit ng shinkansen bullet trains at limited express trains mula Abril 8 hanggang Mayo 7.

Sa ulat ng NHK World-Japan, mas mataas ito ng 32 porsyento kumpara noong nakaraang taon, at halos kasingrami na ng bilang noong bago ang COVID-19 pandemic.

Dagdag sa ulat, tumaas ang bilang ng mga pasahero ng Hokkaido Shinkansen, Akita Shinkansen, Tohoku Shinkansen, Yamagata Shinkansen at Tokaido Shinkansen.

Sinabi ng Japan Railway group companies na handa sila sa bugso ng pasahero lalo na ngayong mas marami ng dayuhang turista ang bumibisita sa bansa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!