COVID-19 PAREHO NA NG KATEGORYA SA INFLUENZA SIMULA NGAYONG ARAW
Ibinaba na ng Japan ang kategorya ng novel coronavirus sa parehong grupo ng seasonal influenza simula ngayong araw ng Lunes.
Nangangahulugan ito na hindi na hihigpitan ng gobyerno ang paggalaw ng publiko upang maiwasan ang impeksyon, at papayagan na rin ang mga tao na magdesisyon para sa kanilang sarili, sabi sa ulat ng NHK World-Japan.
Samantala, patuloy pa rin na magiging libre ang pagbabakuna laban dito hanggang sa kasalukuyang fiscal year. Inirerekomenda rin ng health ministry na manatili sa bahay ang mga tao sa loob ng limang araw pagkatapos mahawaan ng virus.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”