ALOK NA MGA PART-TIME NA TRABAHO SA MGA HOTELS, TUMAAS DAHIL SA TURISMO
Dagsa ang alok na mga part-time na trabaho sa hotel industry sa Japan bunga ng muling pagbangon ng inbound na turismo sa bansa.
Ayon sa Timee Inc., isang Tokyo-based na kumpanya na nag-o-operate ng part-time job application service, maraming mga alok na trabaho lalo na sa mga lungsod sa western Japan, saad sa ulat ng Kyodo News.
Tinutugunan ng kumpanya ang demand sa pamamagitan nang pag-aalok ng maiikling oras ng trabaho tulad nang paglilinis at pagseserbisyo sa mga restaurant upang makapagtrabaho pa ang mga tao sa kanilang libreng oras.
Dagdag pa ng kumpanya, nasa 13.4 na beses na mas mataas ang job opening nitong Marso kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”