PAGDADALA NG MEAT PRODUCTS, GULAY, PRUTAS SA JAPAN, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL
Pinapaalala ng Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries sa publiko partikular sa mga papasok sa Japan na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga meat products, gulay at prutas sa bansa.
Sinabi rin nila na ipinagbabawal din ang pagpapadala ng mga ito sa mga kaibigan at kaanak sa pamamagitan ng international mail.
Ayon sa ahensya, kinakailangan na ipaalam kaagad sa Animal Quarantine Service o Plant Protection Station kung makakatanggap ng mga ito.
Maaaring maharap sa pagkakakulong ng hanggang sa tatlong taon o multa ng hanggang sa tatlong milyon yen ang sinumang iligal na magdadala ng mga ito sa bansa.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan