‘WORK WITH CHILD’ SYSTEM, IPAPATUPAD SA SIYUDAD SA AICHI
Papayagan ng municipal government ng Toyoake City sa Aichi Prefecture ang pagsasama ng mga empleyado nito sa kanilang mga anak sa trabaho kung kinakailangan nila itong alagaan nang biglaan simula ngayong araw, Mayo 1.
Target ng “Work with Child” system ang mga anak at apo ng mga empleyado edad isa hanggang Grade 3, sabi sa ulat ng The Mainichi Shimbun.
Dalawput tatlong empleyado ang gumamit ng sistema sa trial na isinagawa mula Marso 6 hanggang Abril 7.
Maaaring gamitin ang programa sa mga sitwasyong pang-emergency tulad ng pansamantalang pagsasara ng child care center o kapag ang isang lolo’t lola o asawa na karaniwang nag-aalaga sa bata ay may sakit o nasa isang gawain. Ipinagbabawal naman ang pagdadala ng maysakit na bata sa trabaho.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”