824 PRODUKTO SA JAPAN, MAGTATAAS NG PRESYO NGAYONG MAY
Nakatakdang magtaas ng presyo ng produkto ang 195 kumpanya sa bansa ngayong buwan.
Ayon sa Teikoku Databank Ltd., nasa 824 produkto ang magmamahal kabilang ang mga de-latang kape dahil sa pagtaas ng presyo ng coffee beans, asukal at lata, saad sa ulat ng Jiji Press.
Tataasan ng Coca-Cola Bottlers Japan Inc. ang presyo ng Georgia Emerald Mountain Blend sa 135 yen mula 124 yen. Habang 152 yen mula 125 yen para sa Kirin Beverage Co.’s Kirin Fire Hikitate Bito at 151 yen mula 124 yen naman para sa Asahi Soft Drinks Co.’s Wonda Morning Shot. Magtataas din ang presyo ng de-latang kape na mabibili sa mga vending machines sa halagang 140 yen per can, mas mahal ng 10 yen.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”