MAHIGIT KALAHATING MILYON NA BIYAHERO, INAASAHAN SA NARITA AIRPORT SA GOLDEN WEEK
Inaasahang aabot sa mahigit 565,000 ang mga biyaherong gagamit ng Narita Airport para pumasok o umalis sa Japan sa loob ng 10 araw mula Abril 28 hanggang Mayo 7.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, sinabi ng mga opisyal ng paliparan na higit sa 300,000 katao ang malamang na magtungo sa ibang bansa mula sa Narita Airport, habang ang bilang ng mga pasaherong papasok sa bansa ay tinatayang nasa mahigit 264,000.
Sinabi ng mga opisyal ng operator ng paliparan na mangangailangan ng mas maraming oras ang pangangasiwa ng bagahe at mga pagsusuri sa seguridad kaysa karaniwan sa panahong ito.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan