300-YEN PER-NIGHT STAY SA RESORT SA MIE PREFECTURE, DINAGSA NG APLIKASYON
Binaha ng aplikasyon ang Shima Mediterranean Village resort facility sa Mie-ken dahil sa murang presyo na 300 yen bawat tao para sa isang gabing pamamalagi.
Ayon sa report ng The Asahi Shimbun, ang special offer ay inaalok para ipagdiwang ang ika-30 anibersaryo ng resort.
Bukod sa 300 yen, sisingilin din sa mga bisita ang bathing tax na nagkakahalaga ng 150 yen. Kasama na rin ang almusal at hapunan sa deal na karaniwang nagkakahalaga ng humigit-kumulang 25,000 yen bawat tao.
Tatanggap ang operator ng mga aplikasyon para sa Hunyo sa unang bahagi ng Mayo.
Ang mga bisita ay pipiliin sa pamamagitan ng lottery kung mayroong malaking bilang ng mga aplikasyon.
Matatanaw ang Ago Bay, ang pasilidad ay unang binuksan bilang isang holiday home area noong 1993 bago ito na-convert sa isang hotel noong 2010.
Bisitahin ang opisyal na website sa https://puebloamigo-campaign.com/.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan