今週の動画

MAHIGIT 100 TRILYONG YEN NA CASHLESS PAYMENTS, NAITALA

Umabot sa 111 trilyong yen ang cashless payments na nairehistro sa Japan noong 2022, katumbas ng 36 porsyento ng lahat nang paggasta na naitala sa bansa.

Ayon sa economy ministry, pinakamarami ang gumamit ng credit card payments na umabot sa 93.8 trilyong yen, saad sa ulat ng The Asahi Shimbun.

Sinundan ito ng code payments kabilang ang mga gumamit ng Quick Response (QR) code sa 7.9 trilyong yen; electronic money payments sa 6.1 trilyong yen; at debit card payments sa 3.2 trilyong yen.

Pino-promote ng gobyerno ang cashless payments sa pag-asang mabawasan ang mga gastos sa transportasyon ng pera. Target nila na umabot sa 40 porsyento ang lahat ng paggasta sa bansa sa taong 2025.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!