今週の動画

MGA TURISTANG PINOY PATULOY ANG PAGDAGSA SA JAPAN

Tuluy-tuloy ang pagbisita ng mga turista galing Pilipinas sa Japan sa muling pagbubukas ng mga hangganan ng bansa sa internasyonal na turismo.

Sa ulat ng Filipino-Japanese Journal, nitong Marso ay nagtala ang Japan ng 46,600 bisita mula Pilipinas na katumbas ng 96.5% ng pre-pandemic level na naitala noong 2019 para sa parehong buwan base sa paunang ulat ng Japan National Tourism Organization (JNTO) noong Abril 19.

Tinanggap din ng Land of the Rising Sun ang humigit-kumulang 110,200 bisitang Pilipino sa unang quarter ng taong ito na 92.3% ng naitala sa parehong panahon apat na taon na ang nakakaraan.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!