今週の動画

8,183 DAYUHANG BATA SA JAPAN, HINDI NAG-AARAL

Nasa 8,183 mga dayuhang bata sa bansa na nasa edad ng compulsory education ang hindi nag-aaral, ayon sa survey ng education ministry para sa fiscal 2022.

Sa ulat ng Jiji Press, katumbas ito ng 6% ng kabuuang 136,923 dayuhang bata na kwalipikado para sa elementarya at junior high school na edukasyon.

Hanggang noong Mayo 2022, nasa 96,214 ang bilang ng mga dayuhang bata na nakarehistro sa Japan bilang mga residenteng kwalipikado para sa edukasyon sa elementarya, at 40,709 naman ang para sa junior high school.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!