PRESYO NG MGA HOTEL SA TOKYO, PINAKAMAHAL SA BUONG JAPAN
Naitala ang mga hotels sa Tokyo bilang pinakamahal sa buong bansa, ayon sa survey na isinagawa ng isang US firm.
Base sa survey ng STR, nagkakahalaga ng 21,587 yen ang average price nang pananatili sa hotel sa Tokyo sa isang gabi. Mas mataas ito ng 17% kumpara sa presyo noong pre-pandemic year 2019, saad sa ulat ng NHK World-Japan.
Sa parehong survey, naitala rin ang pagtaas ng presyo ng mga hotel sa bansa mula nitong Enero hanggang Marso sa 16,125 yen, mas mataas ng 15% mula sa parehong mga buwan apat na taon na ang nakakaraan.
Iniuugnay ng STR ang pagtaas sa pagpapatupad ng domestic travel subsidy ng gobyerno pati na rin ang paghina ng yen at pagtaas ng consumer prices.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”