今週の動画

MALA-SUMMER NA PANAHON NARAMDAMAN SA JAPAN

Tumaas ang temperatura mula sa kanlurang Japan hanggang sa Tohoku region at umabot sa mahigit 25 C sa maraming lugar sa bansa nitong Huwebes dahil sa high-pressure system.

Umabot sa 26 C ang temperatura sa Tokyo na kadalasang nararanasan sa kalagitanaan ng buwan ng Hunyo, ayon sa Japan Meteorological Agency, saad sa ulat ng The Yomiuri Shimbun.

Ilan pa sa mga lugar na nakaranas ng mataas na temperatura ay ang Asago, Hyogo Prefecture sa 30.3 C, Ueda, Nagano Prefecture sa 30.2 C, Fukushima sa 30.1 C, Yamaga, Kumamoto Prefecture sa 30.9 C, at Hita, Oita Prefecture sa 30.1 C.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!