今週の動画

PARTIAL SOLAR ECLIPSE, MAKIKITA SA JAPAN NGAYONG ARAW

Bahagyang matatakpan ng buwan ang araw ngayong tanghali dahil sa partial solar eclipse na makikita sa iba’t ibang bahagi ng Japan.

Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, masisilayan ang kaganapan sa Naha City bandang 1:35 p.m., mga 2:10 p.m. naman sa Kagoshima City, mga 2:20 p.m. sa Shimanto City sa Kochi Prefecture, at pagitan ng 2:20 p.m. at 2:30 p.m. sa Honshu main island.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon mula noong Hunyo 2020 na magkakaroon ng solar eclipse sa bansa.

Ang susunod na solar eclipse na makikita mula sa Japan ay inaasahan sa Hunyo 1, 2030.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!