MAHIGIT 1.81 MILYONG DAYUHANG TURISTA, BUMISITA SA JAPAN NOONG MARSO
Tinatayang nasa humigit-kumulang 1,817,500 dayuhang turista ang bumisita sa Japan nitong nakaraang Marso, ayon sa paunang ulat ng Japan National Tourism Organization.
Halos 66 porsyento ito nang naitala sa parehong buwan apat na taon na ang nakakaraan, bago ang COVID-19 pandemic, saad sa ulat ng Jiji Press.
Mas mataas din ito kumpara sa 1.47 milyong dayuhang turista na bumisita sa bansa noong nakaraang Pebrero.
Ilan sa mga dahilan nang pagdagsa nila ay ang cherry blossom season at ang pagbabalik operasyon ng international cruise ships sa bansa.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”