80 PORSYENTO NG 1,000 RESPONDENTS SA SURVEY, AYAW MABUHAY HANGGANG 100 TAON
Nasa 70 hanggang 80 porsyento ng 1,000 respondents sa isang online survey ang nagsabing hindi nila gustong mabuhay ng hanggang 100 taong gulang.
Ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun, kinomisyon ng Japan Hospice Palliative Care Foundation sa Kita Ward sa Osaka City ang isang research firm para isagawa ang online survey noong Setyembre 20 sa 500 kalalakihan at 500 kababaihan na nasa 20s hanggang 70s ang edad sa buong bansa.
Sa survey, mas marami ang mga kababaihan na nagsabing ayaw nila mabuhay hanggang 100 taon na nasa 83.5 porsyento kumpara sa 72.4 porsyento na kalalakihan.
Ilan sa mga dahilan na napili ng mga respondents ay ang ayaw nilang gambalain ang kanilang mga pamilya, ang paglala ng kanilang pisikal na kondisyon kasabay nang pagtanda at ang pinansiyal na sitwasyon.
Sa tala ng Ministry of Health, Labor and Welfare, mayroong 90,526 people edad 100 o mas matanda pa sa Japan hanggang noong September 2022.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”