HALOS 2 MILYON SHINKANSEN BOOKINGS, NAITALA SA GOLDEN WEEK
Nagtala ng 1.97 milyong seat bookings sa shinkansen bullet trains para sa mga biyahero mula Abril 28 hanggang Mayo 7.
Sa ulat ng NHK World-Japan, sinabi ng service operators ng shinkansen na ang bilang na ito ay halos malapit na sa numero na naitala noong bago ang COVID-19 pandemic.
Ayon pa sa operators, marami rin ang mga dayuhang turista na nag-book para sa bullet train. Dinagdag din nila na regular ang isinasagawang disinfection at maayos ang ventilation nito laban sa COVID-19.
Karamihan ng mga biyahe ay outbound sa Mayo 3. Habang ang mga pabalik naman ay sa Mayo 5 hanggang 7.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”