今週の動画

MAS PINALAWIG NA E-TRAVEL SYSTEM NG PILIPINAS, NAGSIMULA NA

Nagsimula na nitong Abril 15 ang paggamit ng e-Travel system (https://etravel.gov.ph) ng mga biyahero papalabas at papasok ng Pilipinas para sa mas mabilis na airport procedures.

Sa ilalim nito ay lahat ng pasahero, Pilipino man o dayuhan, ay kinakailangang magrehistro sa pamamagitan ng online portal, 72 oras hanggang 3 oras bago ang scheduled flight.

Libre ang paggamit nito na magsisilbi rin bilang contact tracing platform sa lahat ng biyahero.

Ihihinto na ng Bureau of Immigration (BI) ang paggamit ng paper-based arrival at departure cards simula Mayo 1.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!