今週の動画

TSAA NA EPEKTIBO DI UMANO KONTRA KAFUNSHO, MAY STEROID

Inanunsyo ng National Consumer Affairs Center of Japan na may halong steroid dexamethasone ang isang tsaa na di umano ay epektibo laban sa kafunsho. 
Nagbabala ang tanggapan na ang sangkap ay maaaring magdulot ng mga side effects tulad ng paglala ng impeksyon, saad sa ulat ng The Mainichi.

Ayon sa tanggapan, kinakitaan nila ng steroid ang Jamu Tea Black na ibinebenta sa internet ng kumpanyang Kohjuku na nakabase sa Osaka. Ang dexamethasone ay may mga anti-inflammatory properties at hindi maaaring gamitin sa mga produktong pagkain.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

\ 最新情報をチェック /