今週の動画

PAGBUBUKAS NG KAUNA-UNAHANG CASINO RESORT SA JAPAN, AAPRUBAHAN

Nakatakdang aprubahan ng gobyerno ang plano ng Osaka City at Prefecture para buksan ang magiging unang casino resort sa bansa sa taong 2029.

Sa ulat ng Kyodo News, planong buksan ang pasilidad sa artificial island ng Yumeshima sa Osaka Bay, ayon sa government sources.

Tinatayang makakaakit ito ng humigit-kumulang sa 20 milyong bisita at magdadala ng 1.14 trilyong yen na kita kada taon sa prepektura.

Itatayo ito ng MGM Resorts International ng Amerika at Orix Corp. ng Japan.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!