今週の動画

POPULASYON NG JAPAN, NABAWASAN NG MAHIGIT KALAHATING MILYON

Nalagasan ng 556,000 katao ang populasyon ng Japan mula taong 2021 base sa tala ng internal affairs ministry.

Nasa 124,947,000 (hanggang Oktubre 1, 2022), ang mga tao sa bansa kabilang ang mga dayuhang residente.

Ito na ang ika-12 magkasunod na taon na bumaba ito, ayon sa ahensya, saad sa ulat ng Asahi Shimbun.

Sa 47 prepektura sa bansa, tanging ang Tokyo lamang ang kinakitaan nang pagtaas ng bilang ng populasyon kung saan mayroong mahigit sa 14 na milyong residente.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!