今週の動画

PAGBEBENTA NG SIGARILYO, IHIHINTO NG WELCIA

Nagpasya ang pamunuan ng Welcia, ang pinakamalaking drugstore chain sa Japan, na itigil ang pagbebenta ng sigarilyo sa susunod na tatlong taon.

Sa ulat ng NHK World-Japan, sinabi ng mga opisyal ng Welcia na ang hakbang ay bilang pagsasaalang-alang sa kalusugan ng mga tao.

Mayroong higit sa 2,700 Welcia drugstore branches sa buong bansa kung saan karamihan ay nagbebenta ng sigarilyo.

Nakatakdang matapos ang pagbebenta ng mga sigarilyo rito sa Pebrero 2026.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!