今週の動画

24.5 MILYONG LOKAL NA TURISTA, INAASAHANG DADAGSA SA MGA DOMESTIC DESTINATIONS SA GOLDEN WEEK

Tinatayang humigit-kumulang sa 24.5 milyong lokal na turista ang mamamasyal sa iba’t ibang domestic destinations sa Japan sa darating na Golden Week.

Ito ang lumabas na resulta sa survey na isinagawa ng travel agency na JTB.

Mas mataas ito ng 53 porsiyento kumpara noong nakaraang taon, at halos pareho sa bilang noong pre-pandemic year 2019, ayon sa ulat ng NHK World-Japan.

Inaasahan naman na mababa pa rin ang bilang ng mga biyahero patungo sa ibang bansa dahil na rin sa mahal na presyo ng mga ticket, base sa survey.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!