INSURANCE SA BULLYING, MABIBILI SIMULA OKTUBRE
Magsisimulang magbenta sa Oktubre ang Tokio Marine & Nichido Fire Insurance ng insurance policy na sumasaklaw ng hanggang ¥200,000 bawat kaso kung ang isang bata ay na-bully sa paaralan o online.
Sakop nito ang mga bayarin sa counseling fees at iba pang gastusin na may kaugnayan sa paglipat ng mga paaralan tulad nang pagbili ng mga bagong uniporme at gamit sa eskwela.
Ayon sa ulat ng The Japan Times, target ng insurance policy ang mga paaralan at mga asosasyon ng mga magulang at guro na mayroon ng mga insurance contracts na may kaugnayan sa edukasyon sa kumpanya.
Karagdagang ¥120 ang sisingilin kada buwan para sa mga kukuha nito.
Upang makakuha ng compensation, ang mga magulang ay kailangang magsumite ng mga damage reports na isinampa sa pulisya pati na rin ang mga resulta ng konsultasyon sa paaralan.
Nagtala ang Japan ng 615,351 na kaso ng pambu-bully sa elementarya, junior at high school sa buong bansa noong fiscal 2021.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan