今週の動画

84.4 MILYONG MAMAMAYAN SA JAPAN, MAY ‘MY NUMBER’ ID NA

Nasa 84.4 milyong katao na sa bansa ang nabigyan ng My Number ID sa pagtatapos ng buwan ng Marso, ayon kay Communications Minister Takeaki Matsumoto.

Ito ay katumbas ng 67% ng populasyon ng Japan, saad sa ulat ng The Mainichi Shimbun.

Umabot naman sa 96.14 milyong katao o 76.3% ng populasyon ang nag-apply para rito sa pagtatapos ng fiscal 2022.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!