KONSTRUKSYON NG BAGONG RAIL LINE PATUNGONG HANEDA AIRPORT, SISIMULAN SA HUNYO
Uumpisahan ng East Japan Railway Company sa Hunyo ang konstruksyon sa isa sa mga linya ng riles na balak gawin upang mapabuti ang access sa Haneda Airport bilang tugon sa pagdagsa ng mga dayuhang turista.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, nakatakdang magsimula ang operasyon nito sa taong 2031. Papaikliin ng bagong serbisyo ang oras ng paglalakbay mula sa Tokyo Station patungo sa paliparan mula 30 minuto hanggang 18 minuto.
Nagpaplano ang kumpanya ng tatlong bagong ruta ng tren upang ikonekta ang paliparan sa sentro ng Tokyo at iba pang mga lugar.
Isa sa tatlong ruta ang direktang magkokonekta sa Tokyo Station at sa paliparan sa pamamagitan ng Tokyo Freight Terminal sa Shinagawa Ward.
Ang dalawang iba pang mga ruta sa proyekto ay direktang magkokonekta sa paliparan mula sa mga istasyon ng Shinjuku at Shinkiba.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”