今週の動画

PAGBIBIGAY NG CHILD ALLOWANCES, PAPALAKASIN

Nangako ang gobyerno ng Japan na papalakasin nito ang pagbibigay ng child allowances para masolusyunan ang pagbaba ng birthrate sa bansa.

Sa draft policy package, ipinangako ng pamahalaan na aalisin ang income ceiling sa pagbibigay ng child allowances sa mga kabahayan na may mga bata hanggang sila ay magtapos ng high school, sa ulat ng Kyodo News.

Sa kasalukuyan, ang mga kabahayan na may kita na mas mababa sa partikular na antas ay tumatanggap ng buwanang allowance na 10,000 yen o 15,000 yen bawat bata hanggang sila ay makapagtapos sa junior high school.

Samantala, inilunsad na rin ng gobyerno ang Children and Families Agency na mangangasiwa sa mga polisiya na may kinalaman sa mga bata.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!