今週の動画

CREDIT CARD FRAUD SA JAPAN, RECORD HIGH SA ¥44 BILYON

Humigit-kumulang 44 bilyong yen ang kabuuang halaga ng pera na ninakaw ng mga swindlers sa Japan noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, ito ang pinakamataas na naitala simula 1997, sabi ng Japan Consumer Credit Association.

Ani ng asosasyon mahigit 94 porsyento ng mga kaso ay panloloko sa pamamagitan ng paggamit ng credit card numbers sa maling paraan.

Iniuugnay ng asosasyon ang rekord sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng phishing kung saan ang mga biktima ay naaakit sa mga mapanlinlang na website upang maglagay ng mga numero ng card o password.

Tumaas din ang bilang ng mga kasong ganito sa pamamagitan ng mga text messages sa mobile phones.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!