今週の動画

KAKULANGAN NG MANGGAGAWA SA JAPAN, TINATAYANG AABOT SA 10 MILYON SA 2040

Posibleng umabot sa mahigit 10 milyon ang kakulangan sa manggagawa ng bansa pagsapit ng taong 2040.

Ito ay base sa inilabas na forecast ng Recruit Works Institute batay sa GDP estimates at proportions ng mga manggagawa ayon sa kasarian at impormasyon, sa ulat ng NHK World-Japan.

Inaasahang lahat ng prepektura maliban sa Tokyo ay makakaranas ng kakulangan sa manggagawa.

Tinatayang magiging malaki ang kakulangan sa manggagawa sa nursing care service na aabot sa 25.3 porsyento.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!