TOYO, MAYONNAISE, YOGURT, IBA PA, MAGTATAAS NG PRESYO
Nakatakdang magtaas ng presyo ang ilang mga produkto sa Japan pagpasok ng Abril bunga nang pagtaas ng presyo ng mga materyales sa paggawa ng mga ito.
Ayon sa ulat ng Jiji Press, tataas sa 451 yen mula sa 420 yen ang presyo ng isang litro ng dark soy sauce ng Kikkoman Corp.
Madadagdagan naman ng 45 yen ang presyo ng 450-gram mayonnaise ng Kewpie Corp. na magiging 520 yen dahil sa pagtaas ng presyo ng itlog.
Magiging 240 yen naman plus tax ang presyo ng Bifidus plain yogurt ng Morinaga Milk Industry Co.
Magtataas naman ng shipment prices ang Ajinomoto Co. Sa survey na isinagawa ng Teikoku Databank Ltd. sa 195 major food companies noong nakaraang buwan, nakatakdang magtataas ang presyo ng 4,892 food products sa susunod na buwan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”