今週の動画

¥2.15 BILYON NAIWAN NG MGA NAMATAY NA WALANG KAANAK SA JAPAN

Umabot sa humigit-kumulang ¥2.15 bilyon ang perang naiwan ng mga namatay sa bansa na walang pamilya o kamag-anak base sa survey ng Administrative Evaluation Bureau ng Internal Affairs and Communications Ministry.

Sa ulat ng The Yomiuri Shimbun, halos 106,000 katao ang namatay ng walang tagapagmana mula Abril 2018 hanggang Oktubre 2021.

Nasa pangangalaga ng lokal na pamahalaan ang pera na pwede nilang magamit para sa gastos sa pagpapalibing ng mga ito.

Inaasahan na mas dadami pa ang mga taong mamamatay nang nag-iisa dahil sa pagbaba ng birthrate at pagtanda ng populasyon sa bansa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!