今週の動画

CONVENIENCE STORES SA JAPAN, MAGBEBENTA NG MURANG PRODUKTO

Mag-aalok ang mga convenience stores ng mga items na abot-kaya ng mga mamimili sa gitna ng inflation na nararanasan sa bansa.

Sa ulat ng NHK World-Japan, sinabi ng Seven-Eleven Japan na magbebenta sila ng mga tinapay, tofu at iba pang produkto na nabibili lang sa kanilang supermarkets.

Mag-aalok naman ang Lawson ng mga cosmetics at stationery na mababa ang presyo. Habang paparamihin naman ng Lawson Store100 ang mga sweets at iba pa nilang produkto.

Plano naman babaan ng FamilyMart ang presyo ng toilet paper at iba pang basic goods na kanilang tinitinda.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!