今週の動画

¥114.38 TRILYON BUDGET, PINAGTIBAY NA SA DIET

Inaprubahan na ng Upper House ng Diet ang ¥114.3812 trilyong yen na budget para sa fiscal 2023 na magsisimula sa Abril 1, ang pinakamalaki na naitala.

Kabilang dito ang pondo para solusyunan ang nararanasang inflation ng Japan at pagpapaigting sa defense capabilities ng bansa, sa ulat ng NHK World-Japan.

Nagpahayag ng sense of urgency si Prime Minister Fumio Kishida hinggil sa problema sa inflation at sinabing tutugunan ito nang mabilis, sa ulat naman ng The Yomiuri Shimbun.

Ilan sa mga hakbang na isasagawa ay ang pagbibigay ng 30,000 yen na ayuda sa mga low-income households na exempted sa pagbabayad ng buwis at 50,000 yen bawat bata sa mga low-income na pamilya.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!