今週の動画

11 LUGAR SA JAPAN, NAPILING PANG-ENGGANYO SA MAYAYAMANG DAYUHANG TURISTA

Pumili ang Japan ng 11 lugar sa bansa na gagamitin bilang atraksyon para ma-engganyo ang mga mayayamang dayuhang turista na bumisita sa mga rural areas.

Saad sa ulat ng Jiji Press, tutulungan ng Japan Tourism Agency ang mga lokal na munisipalidad at organisasyon na namumuno sa mga destinasyon sa 11 lugar para makabuo ng mga accommodation facilities at tour programs.

Kabilang ang Okinawa at Amami Oshima Island sa Kagoshima Prefecture sa mga napili.

Ie-endorso rin ng ahensya ang 139 experience-based travel programs kung saan tampok ang Japanese nature at culture na tatanggap ng subsidiya ng hanggang sa 80 milyong yen.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!