MGA AMUSEMENT PARKS SA JAPAN, NAGTAAS NG PRESYO NG TICKET
Nasa 36 porsyento ng mga amusement parks, zoos at aquariums sa bansa ang nagtaas ng presyo ng ticket kasunod nang pagtaas ng presyo ng kuryente at mga pakain sa hayop.
Sa survey na isinagawa ng Teikoku Databank kung saan may 190 na pasilidad ang respondents, nasa 70 ang nagtaas ng presyo sa nakalipas na taon. Sa bilang na ito, 62 ang nagtaas ng presyo ng admission fees habang ang natitira ay nagdagdag ng presyo sa unlimited-ride passes, saad sa ulat ng NHK World-Japan.
Ayon sa research firm, nahihirapan ang industriya mula noong pandemya kung saan napilitan silang isara ang mga atraksyon o pansamantalang limitahan ang daloy ng tao, na nagpapahina sa kanilang kakayahang kumita. Dagdag pa nito, ang pagtaas ng mga gastos ay nakadagdag sa kanilang pinansiyal na pasanin. Ilan sa mga pasilidad ay komukunsumo ng malaking enerhiya tulad ng kuryente.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”