MGA DAYUHANG RESIDENTE SA JAPAN, MAS DUMAMI
Nasa 3,075,213 ang bilang ng mga dayuhang residente sa Japan sa pagtatapos ng 2022, mas mataas ng 11.4 porsyento kumpara noong 2021, ayon sa Immigration Services Agency.
Sa ulat ng Jiji Press, pinakamarami ang mga taga-China na nasa 761,563. Sinundan ito ng mga Vietnamese sa 489,312, habang pumangatlo naman ang mga South Koreans sa 411,312.
Tumaas din ng 92,808 ang bilang ng mga dayuhang estudyante. Nadagdagan din ng 48,817 ang bilang ng mga technical trainees habang mas dumami naman ng 37,221 ang bilang ng mga specialists sa engineering, humanities at international services.
Nadagdagan din ng 128 ang bilang ng mga dayuhan na nabigyan ng refugee status sa ilalim ng immigration control and refugee recognition law.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”