JAPANESE PASSPORT RENEWAL, ONLINE NA
Sisimulang muli ng Ministry of Foreign Affairs ang online Japanese passport renewal system nito simula ngayong araw, Marso 27.
Maaaring mag-apply online ang mga mamamayan na may pasaporte na nananatiling balido nang wala pang isang taon, o sa mga may pasaporte na may tatlo o mas kaunting natitirang mga pahina ng puwang ng visa para sa mga entry stamps, ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun.
Kailangan din ng aplikante ang kanyang My Number card at smartphone na may “Mynaportal” app. Hihingin sa app ang kanyang pangalan, litrato ng mukha at iba pang impormasyon.
Samantala, online na rin ang proseso sa pagre-report ng nawawalang pasaporte.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”