MANDATO PARA SA PAGSUSUOT NG HELMET NG MGA SIKLISTA, IPAPATUPAD SIMULA ABRIL 1
Sinimulan na ng Tokyo Metropolitan Police Department na himukin ang mga siklista na magsuot ng helmet bago magkabisa ang mandato sa pagsusuot nito sa buong bansa sa Abril 1.
Sa ulat ng Japan Today, nagsuot ng helmet habang nagbibisikleta ang mga opisyal ng Tsukishima Police Station sa Chuo Ward ng Tokyo noong Miyerkules.
Sa datos ng pulisya, mayroong higit sa 13,000 mga aksidente na kinasasangkutan ng mga siklista sa Tokyo noong nakaraang taon, na bumubuo ng humigit-kumulang 46% ng mga aksidente sa trapiko sa lungsod, batay sa ulat ng Kyodo News.
Bukod dito, 30 siklista ang namatay na walang mga suot na helmet.
Bahagi ng Road Traffic Act ang ipapatupad na mandato. Wala naman multa o anumang parusa para sa sinumang hindi magsusuot ng helmet.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan