ANTI-SCAM CALL SERVICES, IAALOK NG NTT NANG LIBRE
Inanunsyo ng telecom company na NTT na mag-aalok ito ng libreng anti-scam call services para sa mga kabahayan na may mga nakatirang matatanda 70 gulang pataas.
Layon nito na maiwasan na ma-scam ang mga matatanda sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono.
Sinabi ng NTT East at NTT West na mag-aalok sila ng caller ID display at anonymous call rejection services nang walang bayad simula sa darating na Mayo, saad sa ulat ng NHK World-Japan.
Sa tala ng National Police Agency, umabot sa humigit-kumulang 275 milyong dolyar ang naloko ng mga scammers sa 17,520 kaso na naitala noong nakaraang taon.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan