NAIA TERMINAL 2, MAGIGING DOMESTIC FLIGHT ONLY TERMINAL MULA HULYO
Ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ay magiging domestik na paliparan simula Hulyo ng taon mula sa ulat ng CNN Philippines.
Ayon din MIAA Assistant General Manager, ang natitirang flights ng Philippine Airlines (PAL) ay ililipat na din sa Terminal 1 simula June 16 at tuluyan ng magiging ekslusibong domestik na paliparan ang Terminal 2 simula ika-1 ng Hulyo.
Ang mga hakbang na ito ay isinagawa upang mapabuti ang systema ng Imigrasyon sa loob ng paliparan at masolusyonan ang kakulangan ng tao sa NAIA.
Simula Disyembre noong nakaraang taon, ang PAL at AirAsia international flights na papunta at mula sa United States, Canada at Middle East ay inilipat sa NAIA Terminal 1 sa ilalim ng Terminal Assignment Rationalization Program.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan