¥30K YEN NA AYUDA SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS, SIGURADO NA
Nagpasya na ang gobyerno ng Japan kahapon, Miyerkules, na magbigay ng ¥30,000 na tulong sa mga kabahayan na may mababang kita bilang bahagi ng mga karagdagang hakbang upang labanan ang epekto ng inflation.
Makikinabang dito ang mga low-income households na exempted sa pagbabayad ng residential tax.
Sa ulat ng Jiji Press, nagpasya din ang pamahalaan na magbigay ng ¥50,000 bawat bata sa mga kabahayan na nagpapalaki ng bata na may mababang kita.
Maglalaan ang pamahalaan ng ¥500 bilyon pondo para rito na kukunin naman mula sa mahigit ¥2 trilyon na reserve funds sa ilalim ng fiscal 2022 budget para sa cash relief programs at iba pang mga hakbang, kabilang ang laban sa COVID-19 pandemic.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan