‘HARRY POTTER’ THEME PARK MAGBUBUKAS SA TOKYO SA HUNYO 16
Nakatakdang magbukas ang bagong amusement park kung saan ang tema ay hango sa popular na “Harry Potter” novel at film series sa dating lugar kung saan nakatayo ang Toshimaen playland sa Nerima, Tokyo sa Hunyo 16.
Ito na ang pangalawang Harry Potter theme park, una sa London. Tatawagin itong “Warner Bros. Studio Tour Tokyo – The Making of Harry Potter” na i-o-operate ng Warner Bros. Studio Japan LLC. Mae-enjoy ng mga bisita ang pamamasyal dito kung saan makikita ang mga movie sets, costumes at props na ginamit sa pelikula.
Mabibili ang ticket sa halagang 6,300 yen para sa mga adults, 5,200 yen sa mga mag-aaral sa high school, 3,800 yen para sa elementarya at preschool edad apat pataas.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”